Binigyang-diin ng Metro Manila Council (MMC) na magta-transition na sa full implementation ang single-ticketing system (STS), na ngayon ay nasa pilot run pa lamang.
Ayon kay San Juan City Mayor, na siyang kasalukuyang MMC president at RDC vice chairman Francis Zamora, ‘soon’ ay mangyayari na ang malawakang pagpapatupad ngt sistema, pero ngayon ay may mga bagay pa lamang umano silang inaayos.
Kung maaalala ay nagsimula ang single-ticketing system noong May 2 sa – Manila, Quezon City, Paraรฑaque City, Muntinlupa City, Caloocan City, Valenzuela City, at San Juan City.
Ani Zamora, nai-turn over na rin nila ang mga hand-held devices na magagamit sa pagpapatupad ng STS sa mga siyudad sa NCR.
Ilan na rito ay ang printing ng citation tickets, validation at authentication ng driver’s licenses at vehicle registration, checking demerit points, at ang verification kung ang lisensya o vehicle registration ay suspendido, kanselado, o may existing alarm na hindi pa nareresolba ng registrants.