Full Scholarship sa sinumang mag aaral ng medisina kabilang sa nakapaloob sa bagong proposed ordinance na revision ng Education Code of Naga City

NAGA CITY – Hangad ng konseho na palawakin pa ang mga benepisyo at mga programang nakapaloob sa kasalukuyang Education Code of Naga City, sa pamamagitan ng inilatag na proposed ordinance para sa revision nito.

Isa sa bagong programa nasa bagong provision na ay ang pagbibigay ng full scholarship sa sinumang Nagueno namag aaral sa pagka doctor o kukuha ng kursong medisina.

Kahit saan mag-aral ay pupuwede basta taga Naga City ay libreng papag-aralin sa kursong ayon kay Committee on Education Chair City Councilor Lito del Rosario. Sa ngayon ay nasa unang pagdinig pa lamang sa kanyang komitiba.

Sinabi ng konsehal sa BNFM Naga na maraming lumabas na mga suggestions, mga ideya at isa na nga itong magbigay ng scholarsahip program sa mga nangangarap na maging doctor pero walang sapat na pang gastos.

Hangad ng City government na madagdagan pa ang mga doctor sa Naga City, na naramdaman ang kakulangan sa kasagsagan ng COVID-19. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *