Editors Pick

FULL TEXT: Mensahe mula sa pamilya Aquino re: Pagpanaw ni ex-PNoy

Kagaya ng serbisyong binigay niya sa bayan – hindi maingay, trabahong galing sa puso – dahil alam niya, kayo ang boss niya. Kaya nga nakilala siya bilang si PNoy, dahil ayaw niyang maramdaman na dapat siyang bigyan ng kakaibang pansin. Hangarin niyang hindi mapahiya sa inyo dahil sa paghikayat na mahirap man pero tama na sundin ang daang matuwid, nagawa niya ang lahat ng ‘yon.

Masakit po para sa amin na tahimik niyang tinanggap ang mga batikos. Natatak sa aming magkakapatid na nung sinabihan namin siyang magsalita at labanan ang mga maling haka-haka, simple lang ang sinagot niya sa ‘min – kaya pa niyang matulog sa gabi.

Hinarap niya ang lahat ng imbestigasyon at akusasyon: Sandiganbayan November 2017, Senado nung December 2017, at Kongreso nung February 2018. Because when you enter public service, when you serve with honesty and dignity, and you know you have committed no crimes against the people, hindi ka matatakot magsabi ng totoo.

Pribado po siyang tao. Bago pa man ang pandemic, labas-pasok na siya sa ospital. Nais naming magpasalamat sa lahat ng mga duktor, at sa buong medical team na nag-alaga sa kapatid namin. Naramdaman namin bilang mga kapatid niya, that they did everything to make him comfortable. They became compassionate friends who gave him true respect by valuing and protecting his privacy.

Sa lahat ng mga totoong kaibigan niya, na walang palya siyang dinadalaw, tine-text, pinapadalhan ng pagkain, sinasamahan, at pinoprotektahan siya – salamat po.

Sa mga madre at pari na malapit sa pamilya namin na walang sawang pinagdasal ang kanyang paggaling – salamat din po.

Sa “topa” niya, kay Ivy, at siguro ang number uno sa listahan, si Yolly na 30 years siyang inalagaan – lahat ng kasama niya sa Times Street na mula nung pandemic bihirang mag off dahil alam na delikado para sa kanya – salamat.

Sa mga botante ng 2nd District ng Tarlac, noong 1998 kayo ang unang bumoto sa kanya, sa inyo na nagsimula – three terms ang nabuo niya. Sa 14.3 million Filipinos na in 2007 voted for him to become Senator, and sa 15.2 million Filipinos na nagtiwala sa kanya nung 2010 at binigay ang pinakamalaking karangalan na pwedeng ipagkaloob sa kahit na sinong Pilipino – habang buhay naming tatanawin na utang na loob yung naibigay ninyo sa aming kapatid. Maraming, maraming salamat po.

It is with profound grief that on behalf of our family, I am confirming that out brother, Benigno “Noynoy” S. Aquino III died peacefully in his sleep. His death certificate pronounced his death at 6:30 a.m. due to renal disease secondary to diabetes. No words can express how broken our hearts are, and how long it will take for us to accept the reality that he is gone.

Mission accomplished ka Noy, be happy now with Dad and Mom. We love you and we are so blessed to have had the privilege to have had you as our brother. We will miss you forever, Noy.

BNFM National

Recent Posts

Sandy Cays na bahagi ng Pag-asa island sa WPS, nasa ‘degraded state’ na

Nasa degraded state ang Cay 1, Cay 2 at Cay 3 na bahagi Pag-asa Island…

6 hours ago

RTWPB – inumpisahan na ang pagre-review sa mga sahod

Nagsimula na ang review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa mga sahod ng…

6 hours ago

Championship games sa Palarong Bicol 2024 – nauwi sa rambulan

NAUWI sa rambulan ang Men's Division Championship-football games sa pagitan ng Masbate City Team at…

7 hours ago

Inaasahang rollback sa susunod na linggo – nadagdagan pa ng hanggang sa humigit-kumulang isang piso

Nadagdagan pa ang halaga ng inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod…

7 hours ago

PNP, muling dinepensahan ang pag-aresto sa ‘Mayo Uno 6’

Dinepensahan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto sa 'Mayo Uno 6' sa gitna ng…

7 hours ago

Defense chiefs ng PH, Japan, US, at Australia – kinundena ang harassment ng China sa WPS

Naghayag ng pangkabahala ang mga Defense chiefs ng bansang Pilipinas, Japan, Estados Unidos at Australia…

7 hours ago