Umabot na sa 4.5 percent o 3.2 milyon ang mga fully vaccinated individuals sa bansa.
Sa isang briefing, sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na 12,703,081 doses ang naiturok na sa buong bansa as of July 8, kung saan mayroong average 200,000 shots na naituturok araw-araw.
Kabuuang 9,493,839 indibidwal naman ang nakatanggap ng at least isang dose, 13.4 percent ng 70 milyong target ng gobyerno. Sa bilang na ito, 3,209,242 ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.
Mula sa targeted na 1,626,495 health workers na syang kabilang sa A1 sector, 1,603,717 ang nakakuha ng ng unang dose, habang 1,165,125 ang naka-kumpleto na ng dalawang doses.
Sa targeted 8,274,916 senior citizens naman, 2,632,861 ang naturukan na ng unang dose, at 861,560 ang fully vaccinated na. Mula naman sa 7,085,183 targeted persons with comorbidities, 3,184,933 ang nakatanggap ng isang shot at 1,039,710 ang naturukan na ng dalawang doses.
Habang sa 35.5 milyong targeted essential workers naman, 1,614,481 ang nakatanggap na ng partial protection, at 103,990 na ang fully vaccinated.
Samantala, sinabi ni Cabotaje na target na ngayon ng pamahalaan na makapagbakuna ng 90 percent sa A1 priority group at senior citizens sa katapusan ng July, at 90 percent ng persons with with comorbidities sa katapusan ng Agosto.
Mukabat sa kapin P5.4 Million kantidad sa gituohang shabu ang nakumpiska sa otoridad atol sa…
Gitunolan sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO) kagahapong adlawa, Huwebes og kinatibuk-ang Php…
Nasungkit nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang bagong titulo bilang Box Office King and…
Arestado ang empleyado sa gobyerno kauban ang laing duha ka indibidwal sa gilusad nga drug…
Sinimulan na ng Senado ang proseso sa citizenship ni Bennie Boatwright para mapasama sa Gilas…
CAMARINES NORTE - Inirekomenda ng Philippine Coast Guard sa Lokal na Pamahalaan na maglagay ng…