Fully vaccinated individuals vs COVID-19 sa PH, pumapalo na sa higit 9M

Kinumpirma ng Palasyo na mahigit siyam na milyon o 9,115,963 nang indibidwal ang fully vaccinated laban sa COVID-19 sa Pilipinas.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, 20.8 million COVID-19 vaccine doses ang naiturok, kung saan 11.7 million dito ang ibinigay bilang first dose.

Sa ngayon, nakatanggap na ang Pilipinas ng kabuoang 33.8 million doses ng COVID-19 vaccine, simula noong Pebrero.

Samantala noong Huwebes, nakapagbakuna ang bansa ng mahigit 659,000 COVID-19 vaccine doses sa loob ng isang araw, kung saan naungusan nito ang target na 500,000 jabs daily. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *