Galvez: ang ‘rumblings’ sa militar ay ‘tampo’ lang kaugnay sa batas hinggil sa fixed terms

Binigyang diin ni Defense Secretary Carlito Galvez Jr. na ang “rumblings” sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ay “tampo” lang mula sa mga sundalo na hindi umano masaya kaugnay sa bagong batas hinggil sa fixed three-year terms para sa mga top officials.

Ginawa ng Department of National Defense (DND) ang naturang paglilinaw, ilang araw matapos aminin ni Galvez sa pagdinig ng Senado na mayroong ‘rumblings’ sa loob ng militar.

Ayon sa Defense chief, nakaapekto kasi ito sa morale ng ilang sundalo, dahil ang naturang batas ma maari ring makaantala o makaharang sa promosyon ng nasa 135,000 enlisted personnel.

Dagdag nito, na ang mga maaring maapektuhang officers ay mula sa ranggong private hanggang sa first chief master sergeant.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *