Galvez: Halos 500K daily, mababakunahan sa oras na dumami na ang COVID-19 vax

Umaasa parin si vaccine czar Carlito Galvez Jr. na maabot ng bansa ang year-end target na pagbabakuna sa 70 million Filipinos laban sa COVID-19, sa gitna ng inaasahang 500,000 doses na maituturok araw-araw sa oras na dumating na sa Hulyo ang mas maraming shipment ng bakuna.

Ayon kay Galvez, mayroong 5,000 available vaccination sites sa buong Pilipinas, at dahil sa sapat na suplay, nakikita nilang bawat isa ay makakapagbakuna ng 100 doses bawat araw.

Batay sa datos ng pamahalaan, lumalabas na halos 1.56 million Filipinos, o mahigit 1% palang ng populasyon sa bansa ang nababakunahan laban sa COVID-19, dalawang buwan simula nang magsimula ang inoculation.

Ito ay kinabibilangan ng mahigit isang milyong healthcare workers, 240,000 senior citizens, at 256,000 persons with comorbidities.

Giit ng vaccine czar, ang mababang suplay ng bakuna ang dahilan ng mabagal na inoculation, pero pagtitiyak ni Galvez, bibilis ito sa mga susunod na buwan. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *