Galvez, kinumpirma ang ‘rumblings’ sa hanay ng AFP

Kinumpirma ni bagong Defense Secretary Carlito Galvez Jr. na mayroong mga “rumblings” sa loob ng Armed Forces of the Philippines ngunit nilinaw na ito ay dahil sa “unintended consequences” na dulot ng pagtalakay sa panukalang batas na nagtatakda ng fixed terms sa mga high-ranking military officers.

Ginawa ni Galvez ang pahayag matapos siyang tanungin ni Sen. Jinggoy Estrada, chairman ng Senate Committee on National Defense and Security, kung ang mga nakabinbing panukalang batas ng Senado na naglalayong amyendahan ang Republic Act No. 11709 ay may kinalaman sa naiulat na kaguluhan sa loob ng militar.

Gayunman, idiniin ng kalihim ng DND na ang pag-amyenda sa batas na ipinasa noong administrasyong Duterte ay makatutulong sa pagtugon sa mga hinaing lalo na sa mga junior officers partikular sa mga kabilang sa Class 90, 91, 92, 93, hanggang 94.

Sinabi pa ni Galvez na naghahanap lamang ng “sense of fairness” ang mga opisyal ng AFP sa panukala.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *