Galvez, kinumpirma na DND appointment sa kanya ay OIC at senior undersecretary lang

Kinumpirma ni Presidential adviser Carlito Galvez Jr. na ang kanyang pagkakatalaga sa Department of National Defense (DND) ay bilang senior undersecretary at officer-in-charge lang, na kapareho sa posisyon ni resigned defense chief Jose Faustino Jr.

Ayon kay Galvez, ibinigay sa kanya ng Office of the President ang naturang designation upang hindi na umano siya sumalang sa Commission on Appointments.

Sa gitna nito, binigyang diin ng defense chief, na hindi naman importante ang titulo basta’t hawak niya ang top-most position sa DND.

Samantala, bilang bagong DND chief, sinabi ni Galvez na ang marching order ni Marcos sa kanya ay matiyak na ang sovereignty ng bansa ay mapo-protektahan at hindi mawawalan ng kahit ‘inch’ na teritoryo ng bansa sa ilalim ng kanyang liderato.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *