Game 2 inangkin ng Memphis sa Lakers, 103-93

Nabigo ang Los Angeles Lakers na makadalawa sa homecourt ng Memphis Grizzlies sa kanilang Game 2 ng first round NBA Playoffs, 103-93.

Kahit hindi nakalaro ang Grizzlies star Ja Morant dahil sa hand injury, nagpamalas naman ang koponan ng matinding depensa para ibaon si Lebron James at mga bataan nito.

Humataw para sa home team si Xavier Tillman na nagtala ng 22 points at 13 rebounds.

Habang may double-double performance si James, 28 points at 13 rebounds.

Tabla na ngayon sa standing ng dalawang koponan sa 1-1 at nakatakdang muling magsagupa sa Game 3 na gaganapin sa homecourt ng Lakers sa Linggo, Abril 23, 2023.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *