Garcia: madaliin ang pagresolba sa mga kaso ng karahasan laban sa mga poll officers

Umapela si Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia sa Philippine National Police (PNP)na madaliin na ang paglalabas ng resolusyon sa mga kaso ng karahasan laban sa mga election officers.

Ginawa ni Garcia ang panawagan kasunod ng pakikipagkita nito kay election officer Aknam Hasim, na nabulag matapos na barilin habang papunta sa Office of Provincial Election Supervisor noong October 2021—at ang pamilya ni Al-Barka, Basilan, election officer Ruayna Sayyadi, na napatay naman noong July 2022.

Giit ng poll chairman, na ang naturang karahasan laban sa mga election officer ay hindi na dapat maulit.

Samantala, sa kaso ni Hasim, wala pa umanong impormasuyon kaugnay sa pagkakakilanlan sa suspek.

Tiniyak naman ni Garcia na ilalapit ang naturang kaso sa mga high-ranking officials ng PNP, hindi dahil gusto nilang mabigyan ng special treatment, kundi mabigyan ng hustisya ang mga pamilya at election officers na nasaktan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *