Gatchalian, nanawagang tukuyin kung saan kukuha ng pondo para sa MIF

Binigyang diin ni Senator Sherwin Gatchalian na kailangang tukuyin kung saan kukunin ng kontrobersiyal na Maharlika Investment Fund (MIF) ang kanilang capital.

Ayon kay Gatchalian, na ang pagpopondo sa MIF ay dapat maging main topic sa talakayan sa mga miyembro ng Senado sa oras na pormal nang buksan ng Mataas na Kapulunagan ang naturang proposal sa committee hearing.

Giit ng senador, na ang kontrobersiyal na MIF ay kailangan pondohan ng malaking halaga bago ito mag-produce ng substantial return.

Paliwanag kasi nito, na kahit ngayon, hirap pa ang bansa na pondohan ang pagpapatayo ng mga paaralan.

Binigyang diin din ng mambabatas ang risk ng recession sa buong mundo, pero kahit ganun paman, nasa magandang kalagayan pa naman umano ang Pilipinas, economically.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *