GCQ extended sa 2 lungsod at 9 na bayan sa Albay; iba pang munisipyo isinailalim sa MGCQ

BICOL—Pinalawig pa ng pamahalaan panlalawigan ng Albay ang General Community Quarantine (GCQ) sa dalawang lungsod at siyam na bayan sa lalawigan habang isinailalim naman sa Modified GCQ ang iba pang mga lugar.

Base sa Executive Order No. 22 na inilabas ni Gobernador Al Francis Bichara ngayong araw, extended ang GCQ sa lungsod ng Legazpi at Tabaco gayundin sa mga bayan ng Tiwi, Malinao, Malilipot, Manito, Sto. Domingo, Bacacay, Daraga, Camalig at Oas.

Habang isinailalim naman sa modified GCQ ang lungsod ng Ligao at mga banwaan ng Jovellar, Guinobatan, Rapu-Rapu, Libon, Pioduran at Polangui.

Ito ay upang mapiglan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa probinsya.

Base kasi sa report ng Department of Health (DOH) Bicol Center for Health Development, patuloy ang pagtaas ng attack rate ng COVID-19 mula sa 58.95 noong June 7 patungo sa 75.54 noong June 13 at 96.55 noong June 27.

Base naman sa report ng Provincial Health Office, tumaas ng 1,038 ang kaso ng COVID-19 sa Albay ngayong Hunyo kumpara noong Mayo sa kabila ng pagbaba nan g kaso sa ikatlong distrito ng probinsya.

Eepekto ang panibagong EO simula bukas, Hulyo 1 hanggang sa Hulyo 15.

Ngayong araw, ang lalawigan ng Albay ang nagtala ng pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa buong Bicol na umabot sa 84.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *