NAGA CITY- Sa pagkapuno ng mga covid wards at patuloy na pagtaas ng bilang ng tinatamaan ng COVID-19, pinaburan ni Dr. Joey Rañola , Point person for Emerging and Re-Emerging Infectious Diseases (EREID) ng Bicol Medical Center ang pagsasailalim sa Naga at Camarines Sur sa General Community Quarantine o GCQ.
Gayunpaman binigyan diin ni Rañola na wala silang poder dito, local government unit pa rin ang mag dedesisyon, papel aniya nila ay mag rekomenda ng deklarasyon at magbigay ng rekomendasyon sa mga maaring maging hakbang.
Kung babalikan, Abril ngayong taon nang sumulat na ang Bicol Inter agency Task Force at Provincial Government sa National Inter agency Task Force partikular na kay DOH Sec. Francisco Duque III na siyang Chairperson ng NIATF na isailalim ang probinsya sa 15-araw na GCQ dahil din sa mataas na COVID-Cases .
Subalit , dahil sa mga tininggan maaring maging negatibong epekto, na deny at sinabing ipatupad na lamang ang localized lockdown o Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa ang mga apektadong Barangay, Bayan o Lungsod kung kinakailangan.
Sa record ng DOH- Bicol 78 ang bagong kaso ng COVID-19 sa lalawigan kahapon, 7 dito ang sa Naga.
Nasa degraded state ang Cay 1, Cay 2 at Cay 3 na bahagi Pag-asa Island…
Nagsimula na ang review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa mga sahod ng…
NAUWI sa rambulan ang Men's Division Championship-football games sa pagitan ng Masbate City Team at…
Nadagdagan pa ang halaga ng inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod…
Dinepensahan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto sa 'Mayo Uno 6' sa gitna ng…
Naghayag ng pangkabahala ang mga Defense chiefs ng bansang Pilipinas, Japan, Estados Unidos at Australia…