Gen. Eleazar kumambyo: “I STAND CORRECTED”

Ito ang sagot ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar matapos na kuyugin ng mga bashers online dahil sa kanyang komento sa Commission on Audit (COA) reports.

Una nang sinabi ni Gen. Eleazar na nararapat na huwag ibigay sa media ang kopya ng COA reports dahil na makakasama lamang ito sa imahe ng gov’t agency.

Sa kanyang Twitter post ngayong umaga, sinabi nitong handa siyang maitama kung mali ang kanyang naging suhestiyon.

“In a forum, I categorically suggested that the Commission on Audit should stop releasing its audit reports to the media. I stand corrected.” pahayag ni Eleazar sa post.

Kaugnay nito, sinabi ng opisyal na seniseryoso ng Philippine National Police ang lahat na mga obserbasyon ng COA at gumagawa ng mga hakbang para mapabuti pa ang kanilang budget spending.

Sa isinagawang Kapihan sa Manila Bay forum, binanggit ni Eleazar sa interview na malalagay lamang sa alanganin ang imahe ng ahensya kapag ibinigay sa media ang COA report.

“Nagkakaroon po na parang ang dating is napakalaki ng kasalanan nung ahensya while ang intention naman ng COA is para maguide kayo habang hindi pa kayo pumupunta sa sitwasyon na tapos na itong auditing period. Kaya nga lang pinakamaganda sana huwag na sana ipa-media kagaya nung dating sitwasyon noon na diretso lang sa amin.”

Una rito ay hindi naiwasang maging emosyonal ni Health secretary Francisco Duque sa kanyang ‘winarak statement’ kasunod sa pambabatikos na natanggap ng ahensya mula sa taumbayan kasunod sa pagkwestyon ng COA sa kanilang P67.3 billion fund deficiency.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *