General Manager ng VIWAD sa Catanduanes, humihingi ng 2 taong palugit upang mabayaran ang franchise tax sa pamahalaang panlalawigan

BNFM BICOL—Nakikiusap ngayon si Virac Water District General Manager – Gabriel Tejerero sa pamahalaang panlalawigan ng Catanduanes na bigyan pa sila ng dalawang taong palugit upang bayaran ang franchise tax na sinisingil ng lokal na pamahalaan.

Ayon sa opisyal, nasa P1.4-Million ang halaga ng franchise tax na kanilang dapat bayaran alinsunod sa ordinansa ng pamahalaang panlalawigan. Hindi naman aniya sa pagkwestiyon sa legalidad ng ordinansa ngunit sa buong bansa, tanging ang islang lalawigan lang umano ng Catanduanes ang naniningil ng franchise tax sa isang water district.

Pakiusap ng opisyal, hintayin na lang muna ng lokal na pamahalaan na maaprubahan ang kanilang rate increase sa tubig at expansion ng kanilang serbisyo sa ibang bahagi ng Virac lalo na at mayroon pang surcharge ang P1.4-M na buwis dahil hindi nila ito nabayaran mula pa noong 2013.##

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *