Gentlemen Bicol, isinusulong ang mas marami pang mga serbisyo at programang may kaugnayan sa HIV-AIDS para sa mga kabataan

LEGAZPI CITY – Isinusulong ng HIV-AIDS advocacy group sa Bicol, ang the Gentlemen (GM) na magkaroon ng mas marami pang mga programang may kaugnayan sa HIV-AIDS na naglalayong turuan ang mga kabataan partikular na sa mga lalawigan, tungkol sa sakit.

Ito rin ang naging paksa ng isa sa mga board of trustees ng GM Bicol na si G. Freddie R. Boral, RM, RN, MNc, sa joint meeting na nagpakita ng 252 na naiulat na mga kaso ng sakit mula Enero hanggang Nobyembre 2021 sa rehiyon.

Nanguna ang Camarines Sur sa rehiyon na may 98 na naiulat na kaso, sumunod ang Albay na may 63.

Dahil ang mga bilang ng kaso ay lubos na nakakabahala, ang GM Bicol ay nagkaroon ng planong magtaguyod ng iba’t ibang serbisyong tungkol sa kalusugan ng kabataan, edukasyon sa HIV/AIDS, libre at kumpidensyal na screening, at pangangalaga sa kalusugang pangkaisipan at pagpapayo sa mga kabataan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *