Gerald Anderson sigurado nang si Julia ang nais na pakasalan

Sigurado na si Gerald Anderson na ang girlfriend niyang si Julia Barretto ang nais niyang makasama habang buhay.

Nagsalita ang aktor tungkol sa relasyon nila ni Barretto matapos siyang tanungin ng broadcaster na si Korina Sanchez kung kailan niya balak magpakasal, sa isang episode ng “Korina Interviews”.

Sinabi pa ni Anderson na nag work ang relasyon nila ni Barretto dahil may nararamdaman siyang commitment sa aktres.

Si Anderson, na tila ayaw magsalita para kay Barretto, ay nagbiro na sana ay ganoon din ang nararamdaman nito sa kanya.

Tinanong ni Sanchez kung engaged na ang dalawa, na sinagot ng aktor, na hindi.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *