Germany at France nanawagan sa kanilang kababayan na lisanin na ang Ethiopia

Nakiisa na rin ang Germany at France sa mga bansang nanawagan sa kanilang mga mamamayan na umalis na sa Ethiopia sa gitna ng lumalalang civil war sa nasabing bansa.

Una nang naglabas ng advisories ang US at UK sa kanilang mga mamamayan habang kinumpirma ng United Nations na nagsimula na din silang mag-recolate ng ilan sa kanilang mga staff.

Sa pinakahuling report, pursigido ang Tigrayan fighters na makapasok sa capital na Addis Ababa.

Matatandaan na dahil sa isang-taon nang conflict ay nakakaranas ng humanitarian crisis ang Ethiopia.

Umabot na din sa libong tao ang napatay habang milyong tao din ang napilitang iwanan ang kanilang mga bahay at lumikas dahil sa mga karahasang nagaganap sa kanilang bansa.

Una nang nagbabala ang UN na maraming mamamatay sa gutom sa Ethiopia dahil nahihirapan silang magdala ng mga tulong na pagkain sa mga naiipit na mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *