Germany, nag-alok ng bagong military package sa Ukraine kasabay ng pagbisita ni Zelensky sa bansa

Nag-alok ng bagong military package na nagkakahalaga ng 2.7 bilyong euro ang Germany kasabay ng pagbisita ngayong araw sa bansa ni Ukraine’s President Volodymyr Zelensky.

Ang pagbisita ni Zelensky sa Germany ay bilang paghahanda ng Kyiv ng kontra-opensiba sa Russia at kasunod ng kanyang pulong sa mga Italian leaders at kay Pope Francis noong Sabado.

Inakusahan na noon ng Russia ang Germany sa pagsu supply ng mga military gears sa Ukraine.

Hindi naman itinanggi ng bansa ang pagtulong sa Ukraine, kung saan naging major contributor ito ng mga tanke , rockets at anti-missile system sa Ukraine.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *