Germany, paiimbestigahan ang ‘sabotage’ sa gitna ng tensyon sa Russia

Iniimbestigahan ng German police ang umano’ pananabotahe sa rail infrastructure, kung saan itinuturo ng ilang mga opisyal ang Russia matapos na sumabog ang Nord Stream pipeline.

Ang naturang insidente ay nagdulot sa pagkaputol ng dalawang pinakamahalagang communications cables, dahilan para maantala ang mga rail services sa north, kung saan libo-libong mga pasahero ang apektado.

Isinisi ni Rail operator Deutsche Bahn ang travel disruptions sa umano’y sabotage, habang para kay Transport Minister Volker Wissing, ito umano ay targeted at deliberate action.

Binigyang diin ng mga ito na ang insidente ay kasunod lang ng undersea blasts sa Nord Stream 1 at 2 gas pipelines sa pagitan ng Germany at Russia.

Ang pipeline sabotage, ay lalo pang nagpataas sa tensyon sa pagitan ng Russia at ng West, pero itininatanggi naman ito ng Moscow.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *