Germany, umatras sa volleyball exhibition kontra Pinas

Umatras ang koponan ng Germany sa volleyball exhibition kontra Philippine men’s national team na nakatakdang ganapin sa ika-27 ng Hunyo.

Ito’y parte umano ng Philippine National Volleyball Federation’s (PNVF) International Challenge.

Ayon sa PNVF, umayaw ang naturang bansa dahil kailangan umanong magpahinga ng mga players nito mula sa laban sa Volleyball Nations League (VNL).

Samantala, hindi na maglalaro ang Philippine men’s team sa kahit anong exhibition matches matapos makansela din ang kanilang laro laban sa Japan dahil sa health protocols. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published.