Giant Christmas Tree sa Tampakan, paiilawan na!

KORONADAL CITY- PAIILAWAN na bukas ng gabi ang giant Christmas Tree sa Tampakan, South Cotabato bilang bahagi ng selebrasyon ng Christmas Festival ng bayan.

Ito ang inihayag ni Tampakan Mayor Leonard Escobillo sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.
Ayon kay Escobillo, hindi na umano na tuloy ang plano nilang pataasan pa ang nasabing Christmas tree dahil binabalanse nila ang pondo ng bayan.

Ngunit maliban umano sa giant Christmas Tree ma-bubusog rin ang mga mata ng publiko sa iba’t-ibang pailaw sa mga punong kahoy na dinesenyo naman ng bawat department head ng LGU-Tampakan.
Mayroon ring parol competition para sa 14 na mga barangay ng bayan sa inisyatibo naman ng Sanguniang Bayan ng Tampakan.

Pinasiguro naman ng opisyal ang seguridad ng publiko dahil sa presensya ng Tampakan PNP, mga sundalo at iba pang mga otoridad.

Paalala naman ng opisyal sa mga bibisita sa kanilang lugar na gustong saksihan ang kanilang Christmas Tree na sumunod sa minimum health protocols at huwag magkalat ng basura upang mapanatili ang kalinisan ng lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *