GIDA areas sa Zambales iniikot ng PHO para maserbisyuhan

Sinusuong ng Zambales Provincial Health Office maging ang mahihirap na daan para maikot ang mga Geographically Isolated and Disadvantage Areas.

Ito ay ang mga malalayong lugar na kadalasan ay hindi naaabot kaagad ng mga serbisyo ng pamahalaan.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Noel Bueno, maliban sa pagbabakuna kontra covid-19 ay namimigay na rin sila ng gamot, libreng check-up at nagsasagawa ng pagtutuli sa mga bata.

Sa ganitong paraan ay hindi na mahihirapan pang bumaba sa kabayanan ang mga residente para makakuha ng mga kinakailangang serbisyong medical.

Bagamat malalayo ang lugar at may kahirapan ang daan, isa umanong karangalan at masaya sa pakiramdam sa kanilang hanay ang makapagserbisyo sa mga nasa isolated areas.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: PHO Zambales

May be an image of fruit and text that says 'SHOP NOW! Lazada The power of Vitamin c, The power of Guard C! ww.a- ASCORBICACID ASCORBIC (a) GUARD-C'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *