Gigi, aminadong kabado para sa una niyang acting project

Aminado ang viral singer na si Gigi de Lana na nakakaramdam ito ngayon ng pressure para sa kaniyang unang acting project na ipalalabas lang naman sa 191 teritoryo sa buong mundo.

Makakasama ni Gigi si Gerald Anderson sa “Hello, Heart” na mapapanuod sa streaming platform na iQiyi.

Mababatid na available rin sa iQiyi ang mga content mula sa Japan, South Korea, Greater China, Thailand, Singapore, at Malaysia.

Sa ginanap na virtual media conference ay tiniyak ni Gigi na ibibigay niya ang kaniyang 100% sa nasabing serye.

Sinabi naman ni Gerald na proud siya para sa bago niyang leading lady.

Ipinunto ng aktor na magiging proud rin ang fans ng singer dahil mapapanuod na nila ang kanilang idolo sa ibang platform.

Ipalalabas na ang “Hello, Heart” sa December 15.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *