Nakuha ng Gilas Pilipinas girls ang puwesto sa semifinals ng 2024 FIBA U18 Women’s Asia Cup Division B.
Ito ay matapos nilang talunin ang Lebanon sa score na 89-63 sa Futian Sports Park sa Shenzhen, China.
Sa simula ng laro, may lamang lamang lang ng apat na puntos sa 16-12.
Bukod dito, ipinamalas din ng mga Gilas girls ang kanilang lakas sa offensive rebounds at nakakuha ng 31, kumpara sa 19 ng kanilang mga kalaban.