Gilas girls tinalo ang Lebanon sa U18 Finals para sa  Asia Cup Division A promotion

Nakuha ng Gilas Pilipinas Girls ang promosyon  matapos nilang talunin ang Lebanon sa kanilang naging paghaharap sa Division B Finals noong linngo sa Futian Sports Park sa  China.

Pinangunahan ni Alyssa Rodriguez ang Julie Amos -coached squad na may 22 puntos at ang 18 puntos ay nagmula naman sa 6-of-10 shooting mula sa three-point line.

Sa pagtutulungan ng Gilas girls nakapagtala sila  15 three-pointers sa 39 attempts at ito ay nagpakita ng kahanga-hangang pagsisikap  ng kanilang depensa na nagresulta sa Lebanon na gumawa ng 31 turnovers habang na-clamp sila ng 21 steals.

Ito na ang ikaapat na sunod na panalo ng Gilas girls sa maraming laro  kung saan  tinalo nila ang Maldives at Lebanon sa group stage at ang Samoa sa semifinals. (BRIGADA NEWS INTERN JUSTINE JUMARANG)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *