Gilas, haharapin ang South Korea sa FIBA opener

Susubukan ng Gilas, na pinangungunahan ng mga batang manlalaro na basagin ang sumpa sa tuwing nakakalaban ng Pilipinas ang South Korea.

Inaasahan ng kuponan na mauulit nito ang panalo ng Gilas kontra sa matindi nitong karibal noong 2013 sa opener ng FIBA Asia Cup Qualifiers.

Pangungunahan ng mga baguhan na sina Ange Kouame at Kai Sotto sa tangka ng Gilas na matuldukan ang sunod-sunod na talo ng Pilipinas sa South Korea.

Gaganapin ang naturang laro mamayang alas-6 ng gabi sa AUF Gym sa Clark, Pampanga.

Ipinunto ni Kouame na narinig niya na ang tungkol sa mga sunod-sunod na pagkatalo ng Pilipinas kontra South Korea, ngunit nanalo naman ito noong 2013 na maganda para sa mga tao at organisasyon.

Tiniyak ng 6-foot-10 naturalized player na ibibigay niya ang lahat sa kanilang laro.

Matatandaan na nagawa ng Gilas batch nina Jimmy Alapag at Marc Pingris na magwagi kontra South Korea sa score na 86-79 sa Asia Cup noong walong taon na ang nakaraan sa MOA Arena.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *