Gilas-Korea, magtatapat sa final window ng FIBA Asia Cup Qualifiers

Opisyal nang naitakda ang pagtatapat ng Gilas Pilipinas at South Korea para sa final window ng FIBA Asia Cup Qualifiers.

Sa update ng FIBA noong huwebes, ay makakalaro ng Pilipinas ang Korea sa June 16 at June 20 ng torneyo na gagawin sa Clark.

Magtutuos rin ang Pilipinas at Indonesia sa June 19.

Bukod sa Group A kung saan ay kabilang ang Pilipinas, Korea, Indonesia at Thailand, ay magiging host rin ang bansa sa Group B na kinabibilangan ng Chinese Taipei, Japan, Malaysia, at China at ng Group C na binubuo naman ng Australia, New Zealand, Guam, at Hong Kong.

Tatakbo ang window mula June 16-20.

Magsisilbi naman host ang Amman, Jordan para sa sarili nitong bubble sa Group E na kinabibilangan ng Iran, Syria, Saudi Arabia, Qatar at ng Group F na binubuo naman ng Kazakhstan, Palestine, Sri Lanka, at Jordan mula June 12-14.

Mababatid na kailangan na lamang ng Pilipinas na manalo ng isa pang beses para mag-qualify sa FIBA Asia Cup na gagawin sa Agosto sa Jakarta, Indonesia. (RAMAK KOWSARI)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *