Gilas Pilipinas, makakaharap ang Cambodian team para sa pagkakataong mabawi ang gintong medalya

Makakaharap ng Gilas Pilipinas ang Cambodian team para sa pagkakataong mabawi ang gintong medalya.

Ito ay matapos maipanalo ng Gilas kahapon ang semifinal match laban sa Indonesia.

Pinangunahan ni si Justin Brownlee ang Philippine men’s national basketball team para makatakas sa defending champion Indonesia, 84-76.

Nakagawa si Brownlee ng back-to-back triples upang bigyan ang Gilas Pilipinas ng 76-74 na abante sa halos tatlong minuto ang natitira sa huling yugto ng laro.

Ang mga free throws nina Chris Newsome at Brownlee ang nagpalaki ng agwat sa mga Indonesian bago tuluyang makuha ang panalo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *