Gilas Pilipinas, mission accomplished matapos makuha ang ginto sa SEAG basketball

Maituturing na mission accomplished para sa Gilas Pilipinas sa kanilang road to redemption campaign sa 32nd Southeast Asian Games matapos makabawi mula sa pagkatalo laban sa Cambodia, at sungkitin ang gold medal sa men’s basketball.

Sa finals kahapon, pinataob ng Pinoy cagers ang team Cambodia sa score na 80-69.

Sa laban kahapon, pinangunahan nina Justin Brownlee at Chris Newsome ang team Pilipinas para makabawi sa Cambodia.

Kumamada si Brownlee ng kabuuang 23 points, na dinagdagan ni Newsome ng 16 points.

Nakuha ng Cambodia ang silver medal, habang bronze naman ang Thailand.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *