Gilas Pilipinas, umakyat ang FIBA rankings matapos ang fifth window sweep

Tumaas ng isang spot ang Gilas Pilipinas sa latest FIBA World Rankings, matapos ang pagkapanalo sa fifth window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Sa ngayon, nasa 40th place na ang Gilas, matapos matalo ang parehong Jordan at Saudi Arabia para makuha ang 5-3 sa Group E.

Mababatid na nakuha ng team ang 74-66 win laban sa Jordan, bago manalo sa 76-63 laban naman sa Saudi Arabia.

Samantala, naungusan naman ng powerhouse Spain ang USA sa number one spot matapos na bumagsak ang Americans sa second spot, at sinundan ng Australia, Argentina, at France sa third, fourth, at fifth places.

Ang Gilas ay mayroon pang dalawang assignments na natitira sa qualifiers, kung saan makakaharap nila ang Jordan at Lebanon sa February 2023 para sa sixth window. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *