Tatanggapin ni Coach Tim Cone at ang Gilas Pilipinas ang President’s Award sa Philippine Basketball Association Press Corps (PBAPC) Awards Night mamayang gabi sa Novotel sa Quezon City.
Ang PBAPC ay organisasyon nga ng mga sportswriter mula sa print at online na mga regular na nagko-cover ng mga laro sa PBA.
Nasungkit ng Gilas ang gold sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China noong nakaraang buwan at naghari mula sa rehiyon ang Pilipinas makalipas ang 61 na taon.
Walang dalawang linggong nagsama-sama bilang complete unit ang Gilas ni Cone pero nagawang kumpletuhin ang come-from-behind win kontra Chinese sa semis sa iskor na 77-76.
Makikihati naman sa limelight si Magnolia Chicken Timplados guard Jio Jalalon na tatanggapin ang Defensive Player of the Year sa nasabing awards night.