Ginang na naging inspirasyon ang pinatay na mister sa kaniyang sinulat na aklat, napag-alamang siya din pala ang pumatay

Motibasyon, inspirasyon at karanasan, iyan ay ilan sa mga pundasyon para makapagsulat ng isang akdang kapupulutan ng aral.

Isang chidren’s book kamakailan ang isinapubliko ni Kouri Richins sa bansang US na nagtuturo sa mga kabataan kung paano tanggapin ang pagkawala ng mga mahal natin sa buhay.

Isang akda na pinamagatang “Are With Me?” na iniaalay niya para sa kaniyang namayapang asawa.

Ngunit ang kagila-gilalas na pangyayari ay sa kabila ng paggawa ng librong ito, mapapatanong ka sa iyong sarili kapag malaman mo ang kuwento sa likod nito.

Kalaunan kasi, nadiskubre ng mga otoridad ang dahilan para maungkat na rin ang nakaraan sa kung ano ang naging sanhi sa pagkamatay ng asawa ni Kouri.

Sa isinagawang autopsy sa asawa ni Kouri, nakitaan ito ng napakataas na dosage ng fentanyl sa katawan nito na isang nakalalasong gamot.

Napag-alaman na mayroon palang hindi pagkauunawaan ang mag-asawa at ito’ y patungkol sa pera.

Sa ngayon, sinampahan na ng kaso si Kouri na matapos gawing inspirasyon sa pagsusulat ng aklat ang pagkamatay ng kaniyang asawa na siya din pala mismo ang may kagagawan. | |WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *