Ginang na nanawagan ng tulong, na- scam sa GCASH

Nascam ang isang ginang sa Bgy. 1 Roxas Palawan matapos itong manawagan ng tulong pinansyal para sa isang lalaki na may sakit sa Roxas.

Ayon kay Mathilde Cequina, tumawag sa kanyang ate ang nagpakilalang abogado di umano ni Senator Raffy Tulfo upang magbigay ng tulong ngunit kailangan nito umano ang One Time Password (OTP) sa Gcash bago maipadala ang pera.

Kalaunan ay agad  naengganyo ang kanyang ate at ibinigay ang password sa  gcash.

Nakuha umano ng scammer ang ₱700 na laman ng Gcash ng kanyang ate na ipinadala ng ilan pang concerned citizen.

Maliban dito, marami pa umanong tumawag sa kanyang ate na nagpapakilala rin na abugado mula sa mga kilalang foundation.

Samantala, agad naman nabawi ng biktima ang kanyang Gcash account ngunit hindi na naibalik ang naturang halaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *