Ginang na Rank no.2 most wanted person dahil sa ilegal na droga arestado sa Tabaco City

LEGAZPI- Napasakamay na ng mga awtoridad ang Rank 2 City Most Wanted Person ng Tabaco na wanted sa kasong paglabag sa batas kontra iligal na droga, makaraang maihain sa kanya ang “Warrant of Arrest”.

Kinilala ang arestadong akusado sa pangalang “JO”, 49 taong gulang, may asawa, at residente ng Purok 6, Nagsipit, Mariroc, Tabaco City.

Nahuli ang suspek matapos na ipalabas ang mandamiente de aresto na may petsang Setyembre 10, 2021 para sa paglabag sa “Section 5, Art 11, ng RA 9165” sa limang magkakaibang criminal case.

Samntalang may kabuuhan naman na 240 thousand pesos na rekomendadong pyansa at may karampatang pang pagkakakulong.

Matapos maipabatid sa akusado ang kanyang karapatan sa ilalim ng saligang batas, agad naman itong dinala sa himpilan ng Tabaco CPS para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *