Ginang , patay nang aksidenteng masagasaan ng bus sa Camarines Sur

NAGA CITY – Patay ang isang ginang matapos na masasagaan ng bus sa Bula , Camarines Sur

Sa ulat ng Bula PNP  kinilala ang mga biktima si Susana Nacario habang sugatan ang asawa nitong si Herman ng Barangay Santiago, Iriga City.

Nangyari ito sa kahabaan ng Maharlila Highway sakop ng Barangay Fabrica, Bula Camarines Sur, 6:00 kagabi Mayo 15, 2023.

Ayon kay PCPT David Olleres, Deputy Chief of Police papunta sana sa Pili ang mag-asawa, pagdating ng mga ito sa lugar , bumusina ng malakas ang mag-oover take na truck. Dahil dito tumabi ang motorsiklo kung nasaan naman nakaparada ang papaalis na palang nang bus na nag pick up ng pasahero. Nasagi ang motor, natumba at nahulog ang ginang at nasagasaan ng hulihang gulong ng bus na minamaneho ni Arnulfo Villafranca y Galicia, 54-anyos ng Quezon Province.

Dead on the Spot si Susana habang nasa pagamutan pa ang mister nitong nagtamo ng mga sugat sa katawan.

Sa kasalukuyan, nasa Bula MPS ang driver at hinihintay ang desisyon ng pamilya ng mga biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *