Ginebra, nakuha si Jamie Malonzo matapos aprubahan ng PBA ang 3-team trade

Opisyal nang nakuha ng Barangay Ginebra ang mga serbisyo ng sophomore standout Jamie Malonzo bilang bahagi ng three-team trade, na kinabibilangan din ng San Miguel Beer.

Nabatid na noong Martes nang aprubahan ng PBA ang kasunduan, na magpapadala kay Malonzo sa talented Gin Kings squad.

Kaugnay nito, binitawan naman ng Ginebra sina Arvin Tolentino, Prince Caperal, Jeff Chan, Kent Salado at ang first round pick sa susunod na Rookie Draft ng season.

Sa gitna nito, nakuha rin ng Ginebra si guard Von Pessumal mula sa San Miguel, na nakakakuha ng dalawang future second round picks ng NorthPort sa 2024 at 2025.

Sa kabilang dako, kinuha naman si dating collegiate champion Frankie Lim, bilang bagong head coach ng NLEX Road Warriors, isang araw bago ang pagsisimula ng PBA Commissioner’s Cup.

Si Lim ang papalit sa pwesto ni Yeng Guiao, na umalis sa team matapos ang All-Filipino Conference.

Leave a Reply

Your email address will not be published.