Ginubat Festival tuloy pa rin sa gitna ng pandemya

SORSOGON CITY – Tuloy pa rin ang taunang pagdiriwang ng Ginubat Festival sa bayan ng Gubat, Sorsogon.

Sa pahayag sa Brigada News FM-Sorsogon ng Gubat Tourism Officer na si Patrick Erestain, sinabi nito na plantsado na ang ilang activities ng festival katulad ng Cybersecurity Awareness Online Forum, paglulunsad ng Hotline at Infocast gayundin ng electronic Business Permit and Licensing System  (e-BPLS), selebrasyon ng Independence day at ang paglulunsad ng official website ng LGU.

Tiniyak naman ng LGU ang mahigpit na pagpapatupad ng minimum health standards at social distancing, kung saan limitado lamang ang tao bawat venue ng aktibidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *