Global air passengers, posibleng tumaas ng 83% ngayong taon – IATA

Inihayag ng International Air Transport Association (IATA) na posibleng tumaas ang global air passengers ng 83% ngayong taon.

Inaasahan ding babalik ang magandang kita sa 2023 ng aviation industry sa buong mundo matapos magsara ang mga paliparan dahil sa banta ng Covid-19.

Ayon kay IATA director-general Willie Walsh, tumataas ang bilang ng mga taong lumilipad sa iba’t ibang bansa maging ang mga cargo business ay gumaganda na din.

Samantala, umabot na sa 200 billion dollars ang nawalang kita sa air industry sa loob ng dalawang taon.

(ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *