Global COVID-19 death toll, lampas na sa 3-million mark

Lumampas na sa 3-million ang bilang ng mga tao na nasawi sa COVID-19 matapos maganap ang unang outbreak nito sa China noong December 2019.

Base sa tala ng Johns Hopkins University ay pumalo na sa mahigit 141.7-million ang bilang ng mga narehistrong COVID-19 cases sa buong mundo.

Noong Linggo lamang ay nadagdagan ng 8,980 ang COVID-19 death toll habang nasa 687,697 naman ang mga bagong kaso na naitala sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Makikita sa ilang mga ulat ay naitala ang pinakamaraming bilang ng mga nasawi sa Brazil na aabot sa 1,657, sinundan naman ito ng India na may 1,619 at Peru na may 433.

Nanatili naman ang US bilang pinakaapektadong bansa ng COVID-19 matapos umabot sa 567,217 ang bilang ng mga nasawi doon mula sa mahigit 31-million na kaso nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *