Global ties mahalaga para maisakatuparan ang national goals – Go

Nanawagan si Senator Christopher “Bong” Go para sa pagpapalakas ng local at global cooperation para tulungan ang development ng bansa.

Ang panagawan ni Go ay sa harap ng Covid-19 pandemic, climate change at iba pang mga hamon na kinahaharap ng mundo.

Mababatid na mula October 24 hanggang 26, nagbiyahe si Go kasama ang iba pang kapwa mga senador sa France para sa three-day parliamentary visit.

Sa pangunguna ni Senate President Juan Miguel Zubiri at Senate President Pro Tempore Loren Legarda, ang naturang visit ay bilang selebrasyon sa 75th anniversary ng diplomatic ties sa pagitan ng Pilipinas at France, at naglalayun din na ma-facilitate ang exchanges sa pagitan ng legislatures ng dalawang bansa.

Kaugnay nito, positibi si Go na ang naturang trip ay magbibigay daan ng mas profound relationship sa pagitan ng Pilipinas at France, lalo na’t nagbukas ito ng mga bagong opurtunidad para sa collaboration sa pagitan ng dalawang mga bansa sa mga aspeto gaya ng sustainable energy, climate change, economic growth, at food security.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *