Globe Telecom, nagbabala kaugnay sa fake SIM card registration links

Pinaalalahanan ng Globe Telecom ang kanilang mga subscribers na maging maingat sa pag-click ng mga link na natatanggap sa mga texts, kasabay ng national registration ng SIM cards.

Ito ang pahayag ng Head of Policy Division ng Globe na si Atty. ni Ariel Tubayan sa gitna ng pag-aalala ng mga tao sa fake SIM card registration links.

Ayon kay Tubayan, kung may existing SIM, doon mismo ibibigay ng Globe ang gagamiting link para makapag-register.

Samantala, nagbigay-babala din ang fintech ng Globe na GCash sa kanilang mga users na maging cautious o maingat laban sa mga scammers na sumasamantala sa dagsa ng SIM card registration.

Ito ay matapos ulanin ng reports ang GCash na ang ibang telco subscribers ay nakatatanggap ng message na nagsasabing ang account ng user ay magiging restricted kung hindi ito magkakapagpa-pre-register ng SIM card.

Nananawagan naman ang naturang top e-wallet sa kanilang customers na mag-register na ng SIM card habang maaga pa upang masigurong hindi maudlot ang pag-access sa kanilang pera. // SMM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *