Go at exec officials, tinalakay ang posibilidad na pagfast-track sa vaccination sa mga nasa A4 at A5 category

Ibinahagi ni Sen. Bong Go na nagkaroon siya ng extensive discussion sa mga kinauukulang opisyal ng Ehekutibo, maging sa mga lider mula sa private sector, kung papaanu mapapabilis ang COVID-19 vaccine rollout at maresolba ang resolve logistical challenges.

Kaugnay nito, sinabi ni Go na napag-usapan rin nila ang posibilidad na pagfast-track sa vaccination ng wider population, partikular na sa mga nasa A4 at A5 category.

Maliban dito, kailangan rin na madaliin ang vaccine rollouts sa mga kritikal areas gaya sa NCR plus Bulacan, Cavite, Pampanga, Laguna, Batangas, Rizal, Metro Cebu, at Metro Davao.

Paliwanag ng senador, ang essential sectors o A4 category, kasama na ang economic frontliners, ay napakahalaga upang lalong mabalanse ang pagprotekta sa kalusugan at pagpapasigla ng ating ekonomiya.

Tulad rin umano ng pangako nila ni Pangulong Duterte, sisiguraduhin ng gobyerno na makakarating ang bakuna sa mga mahihirap at pinaka-nangangailangan na indibidwal, lalo na ang A5 category kung saan nabibilang ang mga indigent.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *