Go: Atensyon kailangan manatili sa pandemic response; Poll talks, makakapaghintay pa

Labis ang pasalamat ni Senator Christopher “Bong” Go dahil sa overwhelming support na ibinibigay sa Duterte administration, matapos ilabas ang resulta ng pre-election survey na isinagawa ng Octa Research Group mula July 12 hanggang 18.

Kaugnay nito, binigyang diin ni Go na kailangan manatiling nakatutok ang mga lider sa pagresolba sa health crisis sa halip na isipin ang nalalapit na national elections sa susunod na taon.

Batay sa survey, si Davao City Mayor Sara Duterte ang frontrunner candidate para sa presidency, habang si Pangulong Rodrigo Duterte ang nanguna sakaling mapagdesisyunan nitong tumakbo pagkapangalawang pangulo sa susunod na taon.

“Maraming salamat po sa mga kapatid kong Pilipino sa inyong patuloy na pagtitiwala at pagsuporta sa amin ni Pangulong Duterte.

Ngunit, nasa Pilipino na po ang desisyon pagdating ng panahon,” pasasalamat ni Go.

Sa panig naman ng senador, muling binigyang diin nito na hindi siya interesado na tumakbo sa mas mataas pang posisyon.

Pagbabahagi nito, bilang Chairman ng Senate Committee on Health and Demography, ang kanyang top priority ngayon ay tiyakin na ang bansa ay makaka-ahon mula sa pandemya at maabot ang population protection sa pamamagitan ng vaccination program na kalauna’y magreresulta sa herd immunity.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *