Go: Gov’t ikinokonsidera ang lahat ng aspeto para mapaganda ang COVID-19 response sa gitna ng banta ng Delta variant

Tiniyak ni Senator Christopher “Bong” Go na mas pinapaganda ng gobyerno ang kanilang COVID-19 response measures para matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipinos.

Kabilang dito ay ang patuloy na enhancement sa mga health facilities upang matiyak ang sapat na capacity at capability ng health system na humawak ng COVID-19 cases.

“Sa ngayon, binabalanse po ng gobyerno ang lahat. Nagdaragdag tayo ng mga modular hospitals, lalo na po sa mga mild and severe cases dahil napupuno ang ospital, napupuno ang ICU,” pagbabahagi ni Go.

“Dapat may paglalagyan sa mild cases para ‘di mapuno ang mga ospital, para ‘di bumagsak ang ating healthcare system,” dagdag nito.

Binigyang diin rin nito na bagama’t laging ikinokonsidera ng gobyerno ang economic interests, ang pinakamahalaga parin ngayon ay mailigtas ang mga buhay lalo na sa gitna ng pag-usbong ng Delta variant na nagbigay daan para magpatupad ng heightened restrictions at Enhanced Community Quarantine sa National Capital Region sa susunod na linggo.

Maliban dito, umapela rin si Go para sa reinforcement ng contact tracing at genome sequencing, augmentation ng healthcare facilities at pagpapabilis sa vaccine rollout. 

“Sa vaccine po natin ngayon, mga higit 33 million na ang dumating na mga bakuna sa buong Pilipinas at sa darating na Martes meron pong darating na three million mula sa COVAX Facility,” saad ng senador.

“Moderna na po ito na mga bakuna donated by the US government so malaking tulong po ito sa ating vaccination rollout,” giit pa nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *