Go, hindi isinasantabi ang posibilidad na umatras sa prexy bid

Inamin ni Senator Christopher “Bong” Go na nasa “state of shock” pa umano siya, higit isang linggo matapos pasukin ang presidential race sa pamamagitan ng substitution.

Matatandaan na noong November 13, nag-withdraw si Go ng kanyang kandidatura pagkapangalawang pangulo sa ilalim ng ruling PDP-Laban party, sa halip ay pinalitan ang presidential bet ng allied party na Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan.

Nang matanong naman ito kung posible pa bang bawiin ang kanyang kandidatura pagkapangulo, inihayag ng senador na isa rin ito sa kanyang option.

Hindi naman nito ipinaliwanag na kung anu ang mga factors na ikinokonsidera niya sa pagdedesisyon, pero ibinahagi ni Go na naghihintay rin siya ng senyales mula sa Panginoon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *