Go hinimok ang DMW na maghanda ng contingency plan para sa mga OFWs sa Taiwan

Nagpaabot ng pagkabahala si Senador Christopher Bong Go para sa mga Overseas Filipino Workers sa gitna nang tumitinding tensiyon sa pagitan ng China at Taiwan.

Kasabay nito nanawagan si Go sa Department of Migrant Workers na maghanda ng contingency plan sakaling mas lumala pa ang sitwasyon sa apektadong mga bansa sa silangan Asya.

Ayon kay Go dapat ihanda ng pamahalaan ang mga posibleng ayuda at reintegration program sa oras na kailanganin pabalikin sa bansa ang mga OFWs.

“Proteksyunan natin ang buhay ng bawat Pilipino nasaan man sila sa mundo lalo na ang mga itinuturing nating modern-day heroes na OFWs na nagtatrabaho para mayroong maitustos sa pamilya nilang naiwan,” pagbibigay diin ng senador.

Samantala, umaasa naman si Go na magpipigil ang bansang sangkot at gagamit ng mga diplomatic channel para mabawasan ang tensyon at makahanap ng mapayapang solusyon.

Magugunitang lumala ang tensiyon sa pagitan ng China at Taiwan matapos ang pagbisita ni United States House Speaker Nancy Pelosi sa isla.

Leave a Reply

Your email address will not be published.