Go ikinatuwa ang pagkakasama ng mga PRC frontliners at examiners sa A4 group vaccine priority list

Ikinatuwa ni Senator Christopher β€œBong” Go ang naging hakbang ng pamahalaan na isama sa A4 priority group ng COVID-19 vaccination ang mga frontliners mula sa Professional Regulation Commission (PRC), kabilang na ang mga proctors at watchers sa mga professional board exams, at mga board examiners.

Ayon kay Go marapat lamang na ituring bilang essential workers ang mga miyembro ng PRC na nagsasagawa ng mga professional board exams.

Paliwanag ng senador na kung protektado sila dahil sa bakuna, mas makakapagtrabaho ito ng maayos para hindi maantala ang mga kailangan ng ating mga kababayan para sa kanilang mga propesyon.

Binigyan diin ni Go na malaking tulong ito para maisasagawa ang mga board exams sa ligtas na paraan at mas madadagdagan pa ang mga healthcare professionals sa lalong madaling panahon.

Dagdag pa ni Go, hirap na hirap na umano ang ating mga doktor, nars, at iba pang health workers at kailangan na talagang madagdagan sila. Marami din umano ang nakapagtapos na nang pag-aaral at kinakailangan na lang pumasa ng board exam para maging ganap na health professional.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *