Go inilatag sa Senado ang halaga ng DOFil lalo na ngayong may global health crisis

Inilatag ni Senador Christopher Bong Go sa plenaryo ng senado ang kahalagahan ng Department of Overseas Filipinos (DOFil) para sa mga kababayan natin OFWs lalo na ngayong nararanasan ang global health crisis.

Sa kanyang talumpati matapos maging co-sponsor ng Senate Bill No. 2234 na naglalayon bumuo ng Department of Migrant Workers and Overseas Filipinos, sinabi ni Go na simple lang naman ang layunin ng panukala, ito ay para bigyan ng pinakamagandang serbisyo ang mga pinoy migrant workers na kayang ibigay ng gobyerno.

Paliwanag ni Go na sa panukalang batas hindi na mangyayari na pinapagpapasa-pasahan ang ating mga kababayan kapag nangangailangan ng tulong.

Tapos na umano ang panahon na nauubos ang pasensya, pera at pagod ng kapwa natin mga Pilipino dahil sa burukrasya at bulok na sistema kung saan nagtuturuan ang opisina sa gobyerno kung sino ang dapat umako sa responsibilidad.

Dagdag pa ng Senador na kapag tuluyang maging ganap na batas magkakaroon ng ahensiya na nakatutok at mag-aasikaso sa mga OFWs at hindi na kailangan manawagan sa radyo, sa Facebook, sa television kapag kailangan ng tulong.

Binigyan-diin din ni Go na binansagan bilang modern-day heroes ang mga OFWs kaya dapat lamang na bigyan sila ng departamentong para sa kanila

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *